Latest Posts

RiteMED Celebrates Motherhood and Tamang Alaga

Sa tuwing may nagkakasakit sa pamilya, sila ang unang nangangamba. Mananatili sila sa ating tabi hanggang sa tayo ay gumaling. Ang kanilang mga mapag-arugang kamay ay laging nandiyan para bantayan tayo at ibigay ang best para sa atin. Wala nang papantay pa sa Tamang Alaga na maibibigay ng ating nanay. Kaya naman, ngayong Mayo kung kailan ipinagdiriwang and Mother's Day ay naglaan ng espesyal na araw ang RiteMED upang kilalanin ang kanilang walang katumbas na pagmamahal at alaga para sa pamilya.

Naghanda ang RiteMED ng mga activities, lessons, at treats sa Tamang Alaga Day: Para Kay Nanay. Radio DJ and Personality Laila Chikadora hosts the event habang ang mga mommy bloggers naman na sina Kaycee Enerva at Royal Domesticity ay ang magfa-facilitate ng dalawang experiental booths para sa mga attendees. Highlight ng event ang tatlong booths para sa mga attendees. Highlight ng event ang tatlong booths na naka-focus sa tatlong mahahalagang aspeto ng pagiging isang nanay.

Pinangunahan ni Mommy Blogger Royal Domesticity ang Tamang Nutrisyon booth. Nag-discuss siya dito ng importance ng proper nutrisyon para sa pamilya. Mayroon din siyang itinurong healthy recipe na sigiradong papatok sa buong pamilya, lalo na sa mga bata!

Sa Tamang Ehersisyo naman ay binigyan ng atensyon ang fitness ng mga mommies! Nagturo ng simple exercises si Mommy Blogger Kaycee Enerva. Bukod pa riyan ay nagbigay rin siya ng ilang self-care tips para manatiling young and fresh ang mga mommies kahit na busy sila sa trabaho at pamilya.

Lastly, kailangan ring mabigyan ng pampering time ang mga nanay. Kaya naman sa Tamang Pahinga ay natutunan ng mga mommies ang benefits ng relaxation habang minamasahe ng mga massage therapists.

Highlight naman ng Tamang Alaga Day: Para Kay Nanay ang presence ng Rite Mom na si Camille Prats. Pagkatapos ng special number nila ni Nathan ay nag-share si Camille ng mommy tips mula sa proper health care hanggang sa mga dapat gawin kapag nagkaroon ng emergency sa bahay. Excited rin siyang sumagot sa mga katanungan ng mga mommy attendees sa Q&A session.

Camille Prats - RiteMED for kids

Saludo ang RiteMED sa mga nanay na pangunahing tigapagbigay ng Tamang Alaga sa bawat tahanan. Ngayon ay mas maaasahan ng mga nanay ang RiteMED dahil sa bukod sa affordable na gamot ay mayroon na rin nito para sa buong pamilya: RiteMED Home Remedies, RiteMED Over The Counter Medicines, at RiteMEDfor Kids para sa vitamins at sakit ng mga bata.

We share the latest Press Releases, Promos and Events in the Philippines. If you want to be featured, please send an email via the contact page or contact form below. If you enjoyed this post or found it useful, please share it or follow us on our social media accounts: FB: www.facebook.com/preventsph and IG: www.instagram.com/preventsph.

No comments:

Post a Comment

PR EVENTS PH Designed by Templateism.com Copyright © 2014 Edited by Neri Ann

Theme images by Bim. Powered by Blogger.
Published By Gooyaabi Templates